Indons yumuko uli sa Patriots

MANILA, Philippines - Itinala ni American import Jason Dixon ang kanyang ikaapat na double-double performance kahapon upang ihatid ang Philippine Patriots sa ikaanim na sunod na panalo matapos igupo ang Indonesia, 81-69, sa ASEAN Basketball League (ABL) Championship na ginanap sa The Arena sa San Juan.

Muling dinomina ng 6-foot-10 na si Dixon ang gitna at humakot ng 23 points bukod pa sa 14 boards at manatiling walang talo sa sariling balwarte para sa 7-1 record.”

Sinabi ni Alas na may narinig silang hindi magandang sinabi sina Indonesian imports, Alex Hartman at Nakiea Miller, ukol sa Patriots na hindi nagustuhan nina Dixon at Brandon Powell kaya bigay todo sa paglalaro ang dalawa.

Dikit ang laban sa unang dalawang quarters ngunit umiskor ng clutch baskets sina Dixon, Powell JP Alcaraz at Rob Wainwright upang makalayo ang Patriots. Ang panalong ito ang nagpalakas sa tsansa ng Patriots na makuha ang No. 1 seed sa Final Four.

Show comments