Pilay na Gin Kings wagi pa rin

MANILA, Philippines - Hindi nagi-ging balakid sa Ginebra ang pagkawala ng kanilang mga key players na sina Jayjay Helterbrand at Mark Caguioa.

Kagabi, kinubra ng Gin Kings ang back-to-back win matapos igupo ang Barako Bull, 88-76 sa pag-usad ng KFC PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.

Maging ang kanilang top scorer na si Ronald Tubid na tumapos ng game-high 30-puntos ay may injury din sa daliri ngunit hindi ito naging hadlang para sa kanyang impresibong performance kung saan umiskor ito ng 10-puntos sa unang quarter nang agad umabante sa 18-4 ang Gin Kings.

Lumamang lamang sa 36-33 ang Barako Bulls, 2:33 sa ikalawang quarter bago muling lumayo ng 20-puntos, 68-48, 1:32 na lamang sa fourth quarter na hindi na natibag pa ng Energy Boosters sanhi ng kanilang ikapitong sunod na talo na nagbagsak sa kanila sa 2-9.

Bukod kina Helterbrand na may diperensiya sa tuhod gayundin si Caguioa, injured din si Celino Cruz na matatagalan pa bago makabalik.

Sa unang laro sineryoso ng league-leader ang laban kontra sa guest team na Smart Gilas upang turuan ng leksiyon ang national pool matapos ang 130-99 panalo sa kanilang non bearing game.

Habang sinusulat ang balitang ito, naglalaban pa ang San Miguel Beer (8-2) at Sta. Lucia Realty (5-4) kung saan hangad ng Beermen ang ikasiyam na sunod na panalo.

Dadako naman ang aksiyon sa General Santos City kung san magsasagupa ang defending champion Talk N Text (6-4) at Coca-Cola (1-9) sa alas-5:00 ng hapon sa Lagaw Gymnacium.

Alaska 130 - Miller 21, Hugnatan 18, Thoss 15, De Vance 14, Fonacier 13, Tenorio 10, Borboran 10, Cariaso 9, Ferriols 7, Dela Cruz 6, Burstcher 5, Dela Peña 2.

Smart Gilas 99 - Casio 24, Al Hussaini 21, Barracael 16, Barocca 11, Aguilar 9, Ababou 7, Cawaling 6, Ramos 3, Ballesteros 2, Jazul 0, Buenafe 0.

Quarterscores: 24-18, 63-43, 98-71, 130-99.

Ginebra 88 - Tubid 30, Menk 18, Intal 14, Salvacion 8, Abarrientos 6, White 4, Villanueva 4, Mamaril 2, Baguio 2, Kramer 0, Alvarez 0.

Barako Bull 76 - Najorda 14, Alonzo 12, Aljamal 12, Membrere 10, Hubalde 7, Chia 6, Belano 6, Faundo 4, Menor 2, Dimaunahan 2, Crisano 1, Lao 0.

Quarterscores: 20-19, 42-36, 68-53, 88-76.

Show comments