Singapore taob sa RP-Careline belles

PUNE, India – Sumandal ang Philippine Careline Youth team sa kanilang mainit na kamay sa unang quarter upang daigin ang Singapore, 72-56 at makapasok sa win column ng 1st Under-16 FIBA-Asia Basketball Girls Championship.

Pinagpag ang mapait na alaala sa kanilang 91-64 ka-biguan sa host India sa opener, nagseryoso ang Nationals mula sa simula upang mapanatiling buhay ang kanilang kampanya sa semis sa Group A ng 12-nation tournament.

Bumandera si Danila Jose para sa Nationals na suportado ng Ever Bilena ni Dioceldo Sy, Mighty Sports, Biogenic, and Freego Jeans, kinuha nila ang 21-7 abante at prinotektahan para mailista ang kanilang unang panalo.

Si Jose, anak ni dating RP Youth member Bobby Jose ay nanguna sa kanyang naitalang 16 puntos habang nagtulong naman sina Elrica Castro at Lore Rivera sa pinagsamang 22 puntos.

Nagpapakitang-gilas din ang Chinese at Taiwanese sa Group A sa magkatulad na 2-0 baraha, katulad ng Korea at Japan sa Group B.

Show comments