5th win inilista ng RP Patriots

MANILA, Philippines - Pinagod ng Philippine Patriots ang Thailand Tigers sa kanilang mahigpit na full court pressure sa final 10 minutes tungo sa kanilang ikalimang sunod na panalo, 77-61, sa ASEAN Basketball League (ABL) Championship kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Mula sa 47-43 lead, nagtrabaho pa ng husto ang Patriots nang higpitan pa nila ang depensa at ang kanilang mga extra passes sa offense ay nagbunga nang buksan nila ang fourth quarter sa pamamagitan ng 20-5 run para sa 67-48 advantage may 4:49 na lamang ang oras.

Sa higpit ng depensa ng Patriots nalimitahan sa walong puntos lamang ang Tigers sa final quarter at humakot naman sila ng 30 points.

Tangka ng Patriots ang ikaanim na sunod na panalo sa pakikipagharap sa Satria Muda BritAma ng Indonesia sa The Arena sa San Juan sa Sabado. (MBalbuena)

Show comments