Barangay Ginebra Gin Kings tutulong sa mga nasalanta

MANILA, Philippines - Tutulong ang Barangay Ginebra Gin Kings sa pangangalap ng pondo sa pamamagitan ng Musik Bisig Para Sa Mga Bida: A Benefit Concert na gaganapin sa Nov. 30, alas-6 ng gabi, sa Ynares Center sa Antipolo City.

Sina Junthy Valenzuela, Sunday Salvacion, Billy Mamaril, Jun Jun Cabatu, Ronald Tubid, Cyrus Baguio, Mark Caguioa at 2008-2009 Philippine Basketball Association (PBA) Most Valuable player awardee Jayjay Helterbrand ang makakasalo ng mga tao sa event na binuo ng Ginebra San Miguel, Inc. (GSMI) sa pakikipagtulungan sa Rizal provincial government sa pangunguna ni Gov. Jun Jun Ynares.

“Four of the Gin Kings players, Junthy Valenzuela, Sunday Salvacion, Billy Mamaril and Jun Cabatu are residents of Rizal province, so we are glad that they joined us in giving hope to those who were affected by the recent typhoons,” wika GSMI marketing head Nelson Elises na nagdadagdag na ilang Ginebra San Miguel endorsers tulad nina Krista Ranillo at Gary Granada ang dadalo.

Ang mga kumpirmadong banda ay Kamikazee, Spongecola, Silent Sanctuary, Soapdish, Delara, Concrete Sam, Goodbye Tracy at Johnny Cross. Ang mga makakalap na pondo ay ibibigay sa San Miguel Foundation, Inc. para sa mga proyekto sa probinsya ng Rizal.

Para sa mga donasyon at mga ticket, tumawag lamang kay Rona Tanchico sa teleponong 6323303.

Show comments