China imposibleng talunin pero...

JOHOR BAHRU, Malaysia—Bagamat tila imposible ang talunin ang China naniniwala si Eric Altamirano na malakas ang tsansa ng Nokia U-16 Team Pilipinas.

“The Chinese are not kids, they’re giants. They have a mature game and they know how to win big game like this,” sabi ni Altamirano habang nagha-handa sa showdown kontra sa China sa semifinals ng Fiba Asia U-16 Men’s Championship sa Bandaraya Stadium dito. “We just have to play more as a team, hide our weaknesses and stick to our game plan. We have a very effective system and we’ll use it to our advantage.”

Magsisimula ang laban ng Philippines at China sa alas-6:00 kagabi habang sasabak ang Iran sa Korea sa isa pang semifinal battle sa tournament na ito kung saan ang mga finalists ay makakasama sa 2010 Fiba World U-17 Men’s Championship sa Hamburg, Germany.

Mas magaan sana ang kalaban ng Nationals kung nanalo sila sa Iran, 70-76, sa quarterfinals matapos igupo ang Japan, Kazakhstan at Bahrain sa eliminations. Korea lang sana ang kalaban.

“We’re hoping to face Korea rather than China. But it’s our fate. There must be a reason. Now, we have no choice but to play our hearts out,” sabi Altamirano, kabilang sa RP Youth Team noong 1986.

Sobrang lakas ng China na pinagdududahan na ang tunay na edad ng kanilang mga players. May ibang officials ng Fiba Asia central board na nagpaplano ng random bone scanning para mapatunayan kung lumabag ang China sa eligibility rules.

Kung mapapatunayan, babawiin ang titulo sa China kung sila ay mananalo at hindi sila makakapunta sa Fiba World U-17 Men’s Championship.

Ngunit nais ng Team Pilipinas na manalo sa court.

Show comments