Jordan dinurog ng RP Youth

MANILA, Philippines - Bumawi ang Nokia U-16 Team Pilipinas sa pagkatalo sa Iran matapos ang 60-45 panalo sa Jordan upang makasulong sa semifinal round ng Fiba Asia U-16 Men’s Championship sa Bandaraya Stadium sa Johor Bahru, Malaysia nitong Martes.

Gumamit ang Nationals ng 13-0 run sa opening period at nasustinahan nila ang kanilang opensiba sa mga sumunod na tatlong quarters tungo sa tagumpay upang isaayos ang semifinal showdown sa Asian heavyweight China ngayon.

Ang gametime ay alas-6:00 ngayong gabi kung saan ang mananalo ay haharap sa winner ng Iran-Korea game sa finals ng tournament kung saan nakataya ang dalawang ticket sa 2010 Fiba World U-17 Men’s Championship sa Hamburg, Germany.

“Advancing to the semifinals is already a big achievement,” sabi ni Team Pilipinas coach Eric Altamirano. “We’re hoping to face Korea instead of China. But it’s our fate. There must be a reason. We just have to work extra hard and do our best.” 

Ngunit kontra sa Jordan, ang pinakahihintay na laban ng dalawang top contenders ay naging lopsided game.

Lumamang ang Nationals ng hanggang 23 points (54-31) sa kaagahan ng fourth quarter.

Tumapos si Kiefer Ravena ng 13 points, three rebounds at six steals habang si Von Pessumal at Dan Sara ay may tig-10 points para sa Nationals.

Show comments