MANILA, Philippines - Naglaho ang pag-asa na masungkit ang unang titulo sa PCA, matagal pang maghihintay si second seed Patrick Tierro para makopo ang titulo.
Si Tierro, na bahagi ng RP team na sasabak sa 25th Southeast Asian Games sa Disyembre 9-18 sa Vientiane, Laos, ay lumasap nang nakasosorpresang 1-6, 7-5, 2-6 kabiguan sa kamay ni Fil-Italian Mark Reyes, kahapon sa PCA Open sa Plaza Dilao indoor courts.
Dinomina ang kalaban, unang pinataob ni Reyes si third pick Enebert Anasta sa quarterfinals, at patuloy na nanlisik ang mata nang durugin nito si Tierro, na naging kampeon na ng Davis Cup na bumasag sa kahusayan ni champion Johnny Arcilla.
Gayundin, determinado si Arcilla na mahablot ang ikalima nitong korona sa taunang torneo na nagbibigay ng P100,000 papremyo sa magkakampeon sa mga kalalakihan, sa kanyang pakikipagtipan kay Junior Australian Open veteran Francis Casey Alcantara na sasabak sa isa pang semis showdown ng event.
Gamit ang lakas ng kanyang kaliwang kamay, nilusob ni Reyes ang kalaban para daigin ito sa first set at itawid pa sa second set na may 4-1 lamang.
Ngunit nawala ang tikas ni Tierro nang makabalik ito sa se-cond set at itakda ang decider.
Gayunpaman, hindi nagpabaya si Reyes at sa pamamagitan ng sunud-sunod na forehand winners nakuha ang deciding set upang makumpleto ang pinakamalaking panalo sa torneo.
Samantala, para sa aksyon sa semis ng mga kababaihan sa singles, magtitipan sina top seed Anna Christine Patrimonio kontra No. 6 Jessica Agra, at nakababatang kapatid ni Patrimonio na si Anna Clarice, laban kay four-time champion Czarina Arevalo.
Madaliang napatalsik ng batang Patrimonio ang defending champion na si Bambi Zoleta, 6-1, 6-2, noong Huwebes, habang pinataob naman ni Arevalo ang third seed na si Aileen Rogan 4-6, 6-3, 6-3. (Sarie Nerine Francisco)