RP tracksters, shooters at jins puno ng determinasyon

MANILA, Philippines - Dala ang determinasyong makapagbigay ng karangalan sa bansa, kumpiyansa ang mga national tracksters, shooters at taekwondo jins para sa darating na 25th Southeast Asian Games sa Laos.

Ito ang nagkakaisang inihayag kahapon nina national caoches Joseph Sy ng athletics, Robbie Hermoso ng shooting at Rocky Samson ng taekwondo sa lingguhang SCOOP sa Kamayan sa Kamayan Restaurant sa Padre Faura, Manila.

Ang mga inaasahan ni Sy na muling mag-uuwi ng gintong medalya sa 2009 Laos SEA Games ay sina Asian Athle-tics Association gold medalist Maristela Torres sa women’s long jump, Henry Dagmil sa men’s long jump, Arnel Ferrera sa hammer throw, Rene Herrera sa steeplechase at Julius Nieras sa 400-meter run.

Posible ring gumawa ng eksena sina Julius Sermona sa 10,000 metes at Rosie Villarito sa women’s javelin throw sa natu-rang biennial event sa Disyembre 9-18 sa Vientiane, Laos.

"Our shooters willingness to represent the country and their sheer determination to bring home the honor expected them, which we have been seeing in our training, will drive them to do better than our gold-less showing the last time around in Thailand," wika naman ni Hermoso sa mga national shooters.

Muling ibabandera ng national shooting team sina 16-time SEA Games campaigner Nathaniel "Tac" Padilla, Robert Donalvo, Roland Hejastro, Mae Concopetion at Carolino Gonzales.

Wala namang nakikitang problema si Samson sa hanay ng mga national taekwondo jins.

"We have no problem really and because of the full-support our team is getting, I can almost assure that we can improve on the one gold, four silver, six bronze medals we brought home two years ago," ani Samson.

Ang nag-iisang gintong medalya ng taekwondo ay nagmula kay Olympic Games campaigner Tshomlee Go. (RCadayona) 

Show comments