Smart-PLDT Luzon Youth Boxing championships

MANILA, Philippines - Sinimulan ng Amateur Boxing Association of the Philippines ang kanilang final regional tournament sa taong ito—ang Smart-PLDT Luzon Youth Boxing Championships sa Tayabas, Quezon.

Matapos ang matagumpay na pagtatanghal sa Visayas, Mindanao at sa National Capital Region, matatapos ang isang taong paghahanap ng mga batang potential boxers na sasabak sa National Championships sa Puerto Princesa City sa January sa susunod na taon para sa slots sa national pool.

Nilakad ni Vice Mayor Brando Rea ng host town ng Tayabas, isang long-time amateur boxing proponent at benefactor sa kanilang lugar bilang ABAP deputy executive director ng Southern Luzon, na ganapin ang torneo sa kanilang bayan.

Ang mga teams mula sa norte tulad ng La Trinidad Valley at Baguio City at sa south mula sa Bicol at Puerto Princesa City ay nagkumpirma na ng kanilang partisipasyon.

Pinangunahan nina ABAP president Ricky Vargas at secretary-general Patrick Gregorio ang opening at welcome ceremonies.

Ang lahat ng amateur boxing teams sa Luzon ay iniimbitahang makibahagi. Para sa mga interesado, tumawag o mag-fax sa ABAP national office sa 522-3437 o kay Vice Mayor Rea sa 0042-7132193 o mag-email sa brando_rea@yahoo.com. (MBalbuena)

Show comments