MELAKA, Malaysia – Nag-average si four-time champion Paeng Nepomuceno ng Philippines ng 206.94 pins matapos ang 16 games para manatili sa kontensiyon sa isa sa 24 men’s quarterfinal spots sa 45th Qubica AMF World Cup sa modern, 52-lane bowling center dito.
Ang 52-gulang na kaliwete kinokonsiderang greatest performers sa sport, ay nag-tally ng 3,311 pins para maging 22nd at may 16 pins na taas sa cutng 87-man field.
“It’s always tough competing in the World Cup. The recent death of Pappy (Paeng’s father-coach) has made it doubly tougher for me to keep my rigid preparation although I feel I have an invisible coach who also serves as my inspiration,” sabi ni Nepomuceno.
Isang magandang bagay sa performance na ito ni Nepomuceno na ayon sa kanya ay pang12 ranks na siya kasunod ang United States bet former top pro bowler, Walter Ray Williams Jr., na nagtala lamang ng 3,265 para sa average na 204.06, may 30 pins below the cut.
Si Williams, na inilalarawan ni Paeng at ng kanyang asawang si Pinky na “nice, quiet and unassuming,” ay may highest game nang 267, 18 pins na mas mataas sa best showing ni Paeng.
Nagpakita naman si Korean Choi Yong-kyu ng impresibong performance para makalayo para sa 3,666 sa average na 229.13 pins per game.
Sinimulan naman ni Philippine women’s entry, Liza del Rosario, ang kanyang ikalawang eight-game series sa 11th place sa 1,649 pins para sa average na 206.13.
Nangunguna sina Zara Giles ng England sa women’s pace pagkatapos ng unang qualifying block sa kanyang 1,805, may average na 225.6.
Ang top 24 bowlers sa men’s at women’s divisions matapos ang 24 games ay uusad sa quarterfinals, at ang matitirang walo ay susulong sa semifinals.