Duran kumampi kay Pacquiao

LAS VEGAS-- Abala ang lahat sa loob ng main press center ng MGM Grand nitong Biyernes ng gabi nang pumasok si Roberto Duran, ang alamat na champion mula sa Panama.

Kakaiba ang itsura, may kalakihan ang tiyan at wala nang bigote, nakilala pa rin siya ng mga kilala niya noon, bata at agad nagpa-interview. Nagkaroon ng pagkakataon ang mga Pinoy sportswriter na makausap ang boxer na nakilalang “Hands of Stone.”

Ang 58-gulang na dating champion ng lightweight, welterweight, junior middleweight at middleweight divisions ay nagbigay ng kanyang opinyon ukol sa magaganap na laban sa Sabado ng gabi at pinili niya si Manny Pacquiao na mananalo laban kay Miguel Cotto.

“It’s a very tough fight but I like Pacquiao,” sabi ni Duran, na may mga di malilimutang laban kontra kina Sugar Ray Leonard, Marvin Hagler at Thomas Hearns noong dekada 80. Nagretiro ito noong 2001 na may record na 103 wins, 16 losses at 70 knockouts.   (ACordero)

Show comments