HOLLYWOOD - Itatago ni Miguel Cotto ang kanyang pera sa bangko. Ito ay dahil sinabi niyang aabot siya sa weight limit.
Winakasan ng malaking katawan na left hooker mula sa Puerto Rico ang mga usapin na nagkakaproblema siya sa timbang at siniguro ang lahat na titimbang siya ng 145 lbs sa official weigh-in sa Biyernes sa MGM Grand.
“When we took this fight we decided that we were fine with 145. We knew we could do it and we knew we would be at our best the next night. We would not have taken this fight if we didn’t think I was going to be at my best the next night after the weigh-in,” ani Cotto.
Nagpadala ng mensahe si Cotto mula sa Las Vegas kung saan siya nagsasanay ngayon sa pamamagitan ng doghouseboxing.com, na ang 145 lbs na kanilang pinagkasunduan ang siyang mangyayari.
Nakasaad sa kanilang fight contract, na magmumulta ng $1 milyon si Cotto sa bawat sobrang timbang niya sa 145 at kapag lumagpas sa 147, hindi na itutuloy ni Freddie Roach ang laban.
Maiipon ni Cotto ang lahat ng kanyang pera kapag dumating ito sa 145 lbs. Na sinabing gagawin naman niya.
Ang huling pagkakataon na lumaban ang 29 anyos na boxer, na welterweight sa buong buhay niya, sa 145 lbs ay kontra kay Zab Juddah, may dalawang taon at limang buwan na ang nakakalipas. Nanalo siya sa laban at napanatili ang WBO crown sa 147 lbs.
Sinabi ni Cotto na walang ipinag-iba ito at siya ay titimbang ng 145 lbs.
“The last fight I spent more than 24 hours doing nothing. Just waiting for the weigh-in. My weight was 145. All I have to do is add a half hour to my work every day and I am going to reach 145 with no problem,” aniya. (AC)