MANILA, Philippines - Ano ang naghihintay sa 247 atleta na bubuo sa Team Philippines sa nalalapit na 25th Southeast Asian Games?
Ito ang sasagutin ni Jose ‘Peping’ Cojuangco, pangulo ng Philippine Olympic Committee sa PSA forum bukas sa Shakey’s UN Ave. branch.
Makakasama ni Cojuangco na live na mapapakinggan sa DZSR Sports Radio 918 at hatid ng Outlast Battery, PAGCOR, Accel at Shakey’s sina Team Philippines Chef de Mission Mario Tanchanco, POC spokesperson Joey Romasanta at POC rules committee chair Go Teng Kok, na presidente rin ng Philippine Amateur Track and Field Association.
Dadalo din si Val Camara ng Philippine Kayaking Association upang talakayin ang final leg ng Philippine Kayak Series.
Inaanyayahan ni PSA president Teddyvic Melendres ng Phil. Daily Inquirer ang lahat ng miyembro na dumalo sa pang-alas-10:30 ng umagang programa.