MANILA, Philippines - Sinabi ng kasaluku-yang pound for pound king Manny Pacquiao na hindi mangyayari ang inaabangang Pacquiao-Floyd Mayweather Jr. fight dahil sa paniwala niya ay ayaw siyang kalabanin ng dating pound for pound king ayon sa AP.
“I don’t think it’s going to happen,” ani Pacquiao. “I’m sure he doesn’t want to fight.”
Isa si Mayweather sa option na susunod na kalaban ni Pacquiao ngunit maraming pagdududang mangyari ito dahil hindi magkasundo sa hatian sa kita.
Pagkatapos dimolisahin ni Mayweather si Juan Manuel Marquez noong Setyembre, sinabi nitong kahit sino ay kakalabanin niya.
Ayon sa mga advisers ni Mayweather hindi nila isinasara ang pinto sa posibleng paghaharap ng dalawa ngunit ayon kay Pacquiao, malabo itong mangyari.
“Boxing for him is like a business,” aniya. “He doesn’t care about the people around him watching. He doesn’t care if the fight is boring, as long as the fight is finished and he gets (plenty of) money. ... I want people to be happy. You have a big responsibility as a boxer.”
Marami ang gustong magharap ang dalawa na siguradong kikita ng malaki dahil inaabangan ito ng marami.
Kung hindi maglalaban sina Mayweather at Pacquiao ipriniprisinta ni Sugar Shane Mosley ang sarili para kalabanin si Mayweather.
Nakatakdang kalabanim ni Mosley si welterweight champion Andre Berto sa Las Vegas sa January.
Pacquiao, hinamon ng IBO na idepensa ng titulo
Samantala, hinamon ng International Boxing Organization si Manny Pacquiao na idepensa ang kanyang junior welterweight title para hindi bawiin sa kanya ang titulo, ayon sa ulat sa AFP.
Ayon sa IBO may sampung linggo ang 32-gulang na Pinoy boxing hero na magdesisyon kung ipagtatanggol niya ang kanyang titulo na napanalunan niya kontra kay Ricky Hatton noong Mayo.
“Manny Pacquiao was notified that he will be given time to decide whether to defend his championship at 140 pounds or vacate the title,” sabi ni IBO president Ed Levine. “He is still well within his time requirements to make a title defence in the weight class. So, we’ll allow him a chance to decide and notify us.”