Reyes abante kay Chao

MANILA, Philippines - Hinahanap ang tamang tiyempo, sinipat maigi ni Efren “Bata” Reyes ang bawat pagkakataon upang makalamang sa kanilang laban ni Chao Fong Pang sa Face Off Series 2: The Grandmasters noong Miyerkules sa Club Capo Exclusive sa Tomas Morato, Quezon City .

Naging salitan ng iskor sa unang bahagi ng laban, naputol ito ng sumargo ng sunod sunod si Chao para angkinin ang 4 na racks.

Subalit hindi nawalan ng pag-asa binawian ni The Magician ang Taiwanese para itabla sa 11- all ang marka at muling angkinin ang kalamangan sa sumunod na set.

Naging madikit ang laban sa 25-18, nagpakitang gilas sI Chao sa pamamagitan ng kanyang mga mahihirap na tira, subalit hindi nito nabura ang diskarte ng Pinoy para makalamang sa labanan na may nakatayang tumataginting na $10,000 bilang papremyo sa race to 50 9-ball marathon na nilalaro pa kagabi habang sinusulat ang balitang ito.

Matapos pag-aralang maigi ang galaw, ninakaw ni Chao ang pamamayani nang pumoste ito ng 24-16 na siyang pinakamalaking kalamangan ng engkwentro.

Matapos ang sagupaang ito, hinahanay rin ang bakbakan sa pagitan nina former double world champions Ronnie Alcano at Ralf Souquet ng Germany . (Sarie Nerine Francisco)

Show comments