Cotto, 'di apektado sa pinagsasabi ni Roach

MANILA, Philippines - Hindi nagpapaapekto si Miguel Cotto sa mga sina-sabi ng trainer ni Manny Pacquiao na si Freddie Roach at sinabi niyang matira na lamang ang matibay.

Kamakailan lamang ay tahasang sinabi ni Roach na pababagsakin ni Pacquiao si Cotto sa unang round lamang sa Nov. 14 na Firepower sa MGM Grand sa Las Vegas.

Sinabi ni Cotto na hindi naman ang pagsasalita ‘trash talking’ ng trainer ang magpapanalo ng laban ng boxer.

“I never seen a boxer win with the talking of his trainer. So I wanna tell Freddie Roach, Miguel Cotto and his team do not care,” pahayag ni Cotto sa isang artikulo sa boxingscene.com. The important thing here is that I’m not going to see the face of Freddie Roach in the ring, I will be in there with Manny Pacquiao.”

Ayon kay Cotto, sabihin na ni Roach ang gusto niyang sabihin at gawin na niya ang lahat ng gusto niyang gawin at magpakabayani para sa promotion ng kanilang laban at tignan na lamang kung sino ang huling magsasalita pagkatapos ng laban.

“ On Nov. 14, we’ll see who talks in the end. The ones who did all the talking or the ones who stayed silent,” pahayag ni Cotto.

Hindi rin niya pinansin ang sinabi ng two-time Mexican American champion na si Fernando Vargas na hindi makakayanan ni Cotto si Pacquiao.

Ayon kay Cotto, laos na si Vargas kaya wala nang halaga ang kanyang mga sinasabi.

“Who is Fernando Vargas right now in Boxing? His time has passed, in this group, there is no time to listen to his comments, ani Cotto.

Bago umalis kagabi, nakipag-ispar pa ito ng 10 round sa Gerry Peñalosa Gym sa Mandaluyong City at nakatakdang makipag-dinner sa ilang kaibigan at team members at pagsapit ng alas-10 ng gabi kai-langang nakasakay na sa eroplano patungong Los Angeles.

At sa mahabang biyahe patungong LA, nag-iisip na naman ng bagong sasabihin si Roach.

Dahil, hanggang ngayon ay binabalewala pa rin ito ni Cotto. (Mae Balbuena)

Show comments