MANILA, Philippines - Mahigit 1,200 student-athletes at coaches mula sa NCR, Luzon, Visayas at Mindanao ang magtitipun-tipon sa Cebu upang sumali sa kauna-unahang National Milo Little Olympics mula Oktubre 23-25 sa Cebu City Sports Center.
Ang National Milo Little Olympics ay magbibigay ng mas intensibong antas ng kompetisyon at pagsasama-sama ng mga pinakamahuhusay na student-athletes mula sa NCR, Luzon, Visayas at Mindanao sa kanilang pakikipagtunggali sa isang kapaligiran na magbibigay ng camaraderies at sports excelence.
“The National Milo Little Olympics reflects our solid commitment to help build champions in life,” wika ni Nestle AVP at Milo sports events executive Pat Goc-ong. “Through this event, we hope to inspire the country’s finest young athletes to hopefully become beacons of hope in our country’s quest to finally have that elusive Olympic gold,” dagdag pa ni Goc-ong.
Ang kauna-unahang National Milo Little Olympics ay pagpapamalas ng mga pinakamahuhusay na student-athletes sa bansa sa kanilang pagsabak sa 12 sports disciplines na magtuturo sa kanila hindi lamang ng sports excellence kundi ng pagbuo ng karakter tulad ng disiplina, respeto, determinasyon at honesty upang makatulong sa kanila upang maging isang kahanga-hangang indibiduwal. Ang mga sports events na lalaruin ay ang athletics, badminton, chess, football, gymnastics, lawn tennis, scrabble, swimming, sepak takraw, table tennis, taekwondo at volleyball.
Para sa ilan pang detalye, maglog-in sa www.milo.com.ph.