MANILA, Philippines - Higit na pinalakas ng Kentucky Fried Chicken ang kanilang pagtulong sa sports at suporta sa Philippine Basketball Association sa pamamagitan ng pagiging presenter ng 2009-2010 Philippine Cup sa ikalawang sunod na pagkakataon.
Nagbabalik para sa pangunahing papel sa pinakahihintay na All-Filipino tournament ngayong taon, sinabi ni KFC vice-president for marketing Chacha Juinio na patuloy na susuportahan nila ang liga sa pamamagitan ng pagdagdag ng high-octane at hoopla sa mga laro ng Philippine Cup.
Inihayag ni Juinio na ipapakilala ng KFC ang mga bagong aktibidades para sa mga fans at game attractions sa buong taon ng torneo.
“Our partnership with the PBA which started last year with the 2008-09 KFC PBA Philippine Cup has brought us only positive experiences and a lot of growth. KFC cuts across all generations from the young to the young at heart, much like the PBA. We know that the PBA is home to one of the most loved sports, especially for the youth and it made sense for us to be more relevant and build on wthat they love. Being able to bring these exciting games to our young basketball-crazy fans nationwide is a worthwhile endeavor for our company. We learned a lot of basketball in a year,” ani Juinio.
Ang PBA Philippine Cup ang unang kumperensiya ng 2009-2010 PBA season na magsisimula ngayon.