Pharex RP-5 sali sa Malaysia International cagefest

MANILA, Philippines - Lalahok ang bansa sa 2nd Malaysia International basketball championships sa Oct. 6-12 Kuala Lumpur, Malaysia dala ang Pharex-Philippine Bidang Generix team.

Ang naturang torneo ay lalahukan ng mga bigating koponan mula sa host Malaysia, China, Taiwan, Hong Kong at Scotland.

Ang Bidang Generix team ay babanderahan nina James Ma-ngahas, JayR Alabanza, Raymund Aguilar, Marc Canlas, Ian Mazo, Fritz Bauzon, Jeric Canada, Kojak Melegrito, Mike Galinato, Von Harry Lanete, at Anthony Espiritu sa pagmamando ni Carlos Tan na aasistihan ni Mike Buendia. Kasama din sina Ed Ponceja na siyang head ng delegasyon at Jean Alabanza team manager.

Show comments