Mayweather sinagot si Roach

MANILA, Philippines - Sinagot ni Floyd Mayweather Sr. ang pahayag ng trainer ni Manny Pacquiao na si Freddie Roach na hindi naman gaanong impresibo ang panalo ng kanyang anak na si Floyd Mayweather Jr. kay Juan Manuel Marquez.

”I seen where Freddie Roach was saying he wasn’t impressed and that it was boring,” ani Mayweather Sr. sa fighthype.com. “But let me tell you something, the only reason Freddie Roach was bored because it wasn’t close,” patukoy sa lopsided 12-round unanimous decision win ng anak nito.

Sinabi rin nitong siya pa rin ang Best Trainer kahit na malaki na ang improvement ni Manny Pacquiao sa ilalim ng kinikilalang best trainer na si Freddie Roach.

Nairita si Mayweather Sr. sa pagbatikos sa panalo ng kanyang anak at sinabi niyang kaya lang naman gustong panoorin ng mga tao ang laban ni Pacquiao dahil dikit ang kanyang mga laban.

“People loved Pacquiao’s two fights with Marquez because they were wars and very close fights that I know Marquez won, at least one of them, but Lil Floyd is on a different playing field,” ani Mayweather Sr.

Sinabi din ni Mayweather Sr. sa mga fans at mga nedia na sa tingin nila ay sobrang bigat ng kanyang anak kumpara kay Marquez nang sila ay naglaban na mas hindi nila dapat makitang makalaban ng kanyang anak si Pacman.

“If my son was too big for Marquez then why does everyone want to see a Pacquiao fight? Hell, Marquez just faught Pacquiao a year ago and dealt with him,” dagdag niya. You mean to tell me Pacquiao has grown that much in a year? What? Marquez shrunk?’

Sinabi ni Mayweather na hindi makikita ang galing ng trainer sa laban ng mga boxers. Kaya hindi maaa-ring sabihin na magaling na trainer si Roach dahil sa nakaraang panalo ni Pacquiao kay Ricky Hatton.

“Man, Hatton just wouldn’t do right and ho-nestly, he wasn’t the athlete to beat Pacquiao,” ani Mayweather. “Lets match our talents now that I have a talent in my son. Not even close. Fact of the matter is Pacquiao will never be in a boring fight with Marquez because it will always come down to the wire.” (Mae Balbuena)

Show comments