Lady Blazers lumapit sa finals

MANILA, Philippines - Nagwakas ang 7-game winning streak ng namumunong Letran nang pigilan sila ng College of St. Benilde, 25-14, 25-19, 25-19, at ihakbang ang koponan patungo sa ikatlong sunod na finals appearance sa pagsisimula ng semifinals ng NCAA women’s volleyball tournament sa Emilio Aguinaldo College Gym.

Nagtulong sina skipper Giza Yumang at Katty Kwan na may tig-15 hits habang nag-ambag si setter Ren Agero ng 11 puntos upang pagbidahan ang Lady Blazers na muling makaulit sa Lady Knights.

Lumapit din ang defending champion sa pagpuwesto sa isang silya ng finals nang igupo nila ang University of Perpetual Help System Dalta, 25-18, 25-13, 25-19.

Sa juniors semifinals, kumapit din ang ang titleholder San Sebastian Staglets at Perpetual Junior Altas sa finals slots nang patumbahin nila ang kani-kani-lang mga kalaban.

Humampas ng 39 hits ang reigning MVP na si PJ Rojas kabilang na ang anim na service aces at apat na blocks nang igupo ng Staglets ang CSB-La Salle Greenhills Junior Blazers, 25-16, 19-25, 28-26, 25-10.

Tinalo naman ng Junior Altas ang Angeles University Foundation Junior Danes, 22-25, 25-14, 22-25, 25-19, 17-15. (Sarie Nerine Francisco)

Show comments