MANILA, Philippines - Hindi pa rin tinatantanan ni Floyd Mayweather Sr. si Manny Pacquiao.
Matapos akusahan si Pacquiao sa paggamit ng steroids, sinabi niyang hindi na dapat kalabanin ni Pacman ang kanyang anak na si Floyd Mayweather Jr. dahil hindi siya uubra dito.
Base sa huling laban ni Mayweather Jr. kay Juan Manuel Marquez at sa huling dalawang laban ni Pacquiao kay Marquez, sinabi ng nakakatandang Mayweather na huwag na niyang balaking kalabanin ang kanyang anak.
“Pacquiao can forget about it now. He don’t wan’t none of Lil Floyd, ani Mayweather Sr. sa fighthype.com.
Ayon kay Mayweather Sr. nakita ang lakas ng kanyang anak sa huling panalo nito laban kay Marquez sa kanyang come-back fight mula sa ‘retirement.’
“Man nobody expected Lil Foyd to look the way he did against Marquez, “ ani Mayweather Sr.
Habang naging magaan ang panalo ni Mayweather Jr. kay Marquez sinabi naman ni Mayweather Sr. na hirap si Pacquiao kay Marquez sa kanilang dalawang pagkikita kung saan naging matagumpay si Pacman.
“Everyone wants to talk about the weight. Weight aint have to do with that. It was all about skill set. People are upset that Pacquiao was in a life and death fight with Marquez twice and Lil Floyd toyed with him, “ ani Mayweather.
“Pacquiao had the man down three times in one round and hurt bad and couln’t finish him. Not only could he not finish him, he got his ears boxed off after that, so what do you think my son would do to him?”
Marami ang gustong makitang magkaharap sina Mayweather at Manny Pacquiao upang malaman kung sino ang tunay na pound for pound king.
Samantala, solido pa ring pabor kay Pacquiao ang pustahan kahit na huli na itong nagsimulang mag-ensayo at kahit isang ‘natural welterweight’ ang kanyang makakalaban na WBO titlist Miguel Cotto sa November 14 sa MGM Grand.
Sa Bet365 nakalista si Pacquiao na 4/9 favorite at kinokonsidera itong solido dahil sa ibang tayaan ay 2/5 favorite ito. Si Cotto ay 7/4 favorite ayon sa betting choice.com.
Sa ibang bookies, pumabor na ang tayaan kay Manny Pacquiao na mananalo via KO o TKO at hindi nila nakikitang tatagal ang laban.
Sa Round Group Betting nakikitang ang panalo ni Pacquiao sa 4-6 round ay 5/1. Sa individual round betting, sa round 4 mananalo ng 14/1, sa round 5 mananalo ng 14/1 sa round 6 mananalo ng 12/1. Ang draw o technical draw ay 28/1.