MANILA, Philippines - Makakabalikat ng mga government agencies at pribadong sektor ang Philippine Basketball Association sa pagtulong sa mga sinalanta ng bagyong Ondoy.
Inaprubahan ni Commissioner Sonny Barrios at PBA board of governors, sa pamumuno ni Lito Alvarez, ang pamimigay ng food donations para sa mga biktima ng bagyo na nagdulot ng malawakang pagbaha.
Dadalhin ng mga team officials, coaches at players sa mga apektadong lugar sa Marikina, Pasig, Rizal at Antipolo kung saan marami pa rin ang hindi nakakauwi.
“We would like to lend a helping hand to the victims of Ondoy by sharing the blessings which the PBA had received over the years from our loyal fans all over the country,” ani Barrios.
“Net proceeds from the 35th season inaugural day ceremony on Oct. 11 will also go with the seed money which the ballclubs have put up as calamity fund,” dagdag niya.
“Needless to say, this endeavor is made much more personal to us all in the PBA family because of the loss of a colleague, a friend, a brother in Tony Chua,” ayon sa Burger King representative.
Si Chua, ang Barako Bull governor at league chairman dalawang taon na ang nakakaraan, ay nadala ng rumagasang tubig. (MBalbuena)