MANILA, Philippines - Natagpuan na ang walang buhay na katawan ni Barako Bull ballclub staff member Joenare Pedal at makasama ang kanyang amo na si Tony Chua sa mga naging biktima ng hagupit ng Bagyong Ondoy.
Nakuha ang katawan ni Pedal sa isang creek sa loob ng Filinvest subdivision sa Cainta, dalawang kilometro ang layo kung saan ito natangay ng malakas na agos ng tubig.
Ayon kay Raffy Casiao, atlernate representative sa PBA board ng Barako Bull, na namamaga na ang katawan ni Pedal nang matagpuan.
“Up to the end, the two were together,” patungkol ni Casiao kay Chua at sa kanyang long time aide.
Si Chua, kasama si Pedal at kanyang driver pabalik ng kanilang bahay sa Filinvest nang mastranded sila sa trapik noong Sabado ng gabi.
Dahil malapit na ang bahay na may ilang metro na lang ang layo patungong subdivision nagdesisyon na lamang sila na lakarin pero inabot ng rumaragasang tubig baha.
Si Chua at ang kanyang driver ay nakakapit pa sa puno ngunit nakabitiw na ang una bago pa man dumating ang rescue.
Pinamumunuan ng palakaibigang Barako Bull top official ang paghahanda para sa PBA Hall of Fame Awards na gaganapin sa October 9 sa Shang-ri-La Makati nang maganap ang trahedya.
“He’s the man behind the preparations for the forthcoming former dinner for the PBA Hall of Fame awards. How I wish he’s still around to see the fruit of his project,” wika ni Ginebra alternate governor Robert Non.
Sinabi naman ni PBA commissioner Renauld “Sonny” Barrios na bibigyan ng special tribute si Chua sa nalalapit na awards night.
“We’re going to discuss how best to honor him. No concrete program yet but we’ll definitely have a tribute for him,” ani Barrios.
Iluluklok ng PBA ang ikatlong batch ng Hall of Famer. Ang mga bagong batch ay kinabibilangan nina dating board chair Honeyboy Palanca, yumaong commissioner Jun Bernardino at mga players na sina Allan Caidic, Ricardo Brown, Samboy Lim, Hector Calma at Bobby Parks.