Puwede nang magpalista sa Milo Marathon National Finals

MANILA, Philippines - Tinatanggap na ang pagpapalista para sa Milo Marathon 3K,5K at 10K side events at 21K half marathon na nakatakda sa Oktubre 11 sa Quirino Granstand.

Para sa mga interesado, maaari kayong magpadala ng entries hanggang alas-5 ng hapon ng Oktubre 5 sa RACE registration center sa 51 Annapolis St. sa Greenhills, San Juan City, Planet Sports sa Rockwell Plaza, Mizuno Stores sa Bonifacio High Street sa Fort Bonifacio Global City at Trinoma sa Quezon City.

Ang registration fees ay P50 sa 3K, P100 sa 5K at 10K, at P150 sa 21K ang bawat entry.

May nakataya din premyo para sa media photographer at sportswriting contest, biggest delegation at team competition at cheer dance contest.

May kabuuang P835,000.00 ang nakalatag sa 33rd National MILO Marathon finals, na kilalang pinakamalaki at grandest marathon sa bansa na ginaganap sa pakikipagtambalan ng Bayview Park Hotel Manila, Department of Tourism, Gatorade at Nestlé Pure Life.

Samantala, inihayag ni Milo marathon organizer Rudy Biscocho na sina defending champions Eduardo Buenavista at Mercedita Manipol Fetalvero ay hindi tatakbo ngayong finals dahil nagha-handa ang dalawa sa Southeast Asian Games sa Disyembre.

Show comments