Rivera naghari sa Ramadan Open Masters

MANILA, Philippines - Umiskor ng perfect game si dating world masters champion Biboy Rivera tungo sa paghahari sa Ramadan masters finals sa Khalifa Bowling Center sa Abu Dhabi, United Arab Emirates noong Huwebes ng gabi.

Pinamunuan ni Rivera ang masters qualifiers sa kanyang 237 average bago winakasan ang impresibong laro nang durugin si dating World Cup titlist Saeed Al Hajri ng Qatar, 267-195 sa stepladder finals.

Ibinulsa ng 35 anyos na miyembro ng national team ang halagang P300,000 papremyo.

“I would like to thank my sponsors Prima Pasta, Ebonite, USAct, Dexter Shoes, Supreme Steel Pipes and Paul Neppes, for making my trip here possible,” pahayag ni Rivera sa kanyang e-mail message kay Philippine Bowling Congress secretary general Bong Coo noong Huwebes ng gabi.

“Of course, I also dedicate this victory to my country,”dagdag pa niya.

Nagtapos naman na pang-10th ang kababayan at teammate niyang si Chester King.

Nakatakdang maglaro si Rivera sa finals ng DIBC Open sa Dubai kagabi. 

Show comments