EAC belles hiniya ng Lady Blazers

MANILA, Philippines - Upang hindi mapalayo sa lider ng women’s division ng NCAA volleyball competition, hiniya ng St. Benilde ang Emilio Aguinaldo sa sarili nitong balwarte kahapon, sa pamamagitan ng 25-9, 25-10, 25-11 para itala ang ikaapat nitong sunod na panalo na nagpahigpit sa kapit nito sa ikatlong puwesto.

Kasalukuyang tangan ang 5-0 kartada, namamayagpag ang Perpetual Help habang nakasunod naman ang San Sebastian na kulang ng isang laro para mapantayan ang rekord ng Altalettes.

Sa men’s division naman, tinalo ng Blazers ang Generals, 25-16, 23-25, 20-25, 25-20, 25-11 upang iposte ang ikaapat na pananaig.

Tulad nila, hindi rin naging madali para sa CSB-La Salle Greenhills ang pagkamada ng panalo kontra EAC, 18-25, 25-15, 25-15, 20-25, 16-14 para itulak ang 2-2 marka ng Junior Blazers. (Sarie Nerine Francisco)

Show comments