Suarez pinalagpak din ang kalaban

MILAN – Isa pang miyembro ng Team Philippines ang pumasok sa susunod na round upang palakasin ang kampanya ng bansa sa 15th AIBA World amateur boxing championships sa Mediolanum Forum dito.

Nakalamang si featherweight Charly Suarez sa palitan ng suntok tungo sa 18-8 panalo laban sa mas matangkad na si Iulian Stan ng Romania para samahan ang tatlong kababayan sa second round.

Kasamang umusad ng 21-gulang na si Suarez, limang taon nang miyembro ng national team, si light-fly Harry Tañamor, bantamweight Joan Tipon at lightwelter Genebert Basadre sa round of 32 ng kani-kanilang divisions.

Sa Biyernes, sasabak si Basadre, nagtala ng 5-1 panalo kay Pakistani Aamir Khan noong Martes upang itakda ang laban kontra kay Brazilian Myke Carvajo kung saan ang mananalo ay papasok sa round of 16.

Ang tanging Pinoy na di pa nakakaakyat ng ring ay si Tañamor, ang two-time Olympian na haharap kay Armenian Hoyhannes Danielyan sa round-of-32 bout matapos makakuha ng first round bye.

Sasabak din at tangka ang slot sa round of 16 berth sa Sabado si Tipon, na nagtala ng 8-3 decision laban kay Sri Lankan Kamal Gamaethiralalage at makakatapat niya ang Algerian na si Abdelhalim Ouradi, nagtala ng magaang 16-3 panalo kay Indonesian Matus Mandiangan sa first round.

Show comments