MANILA, Philippines - Susubukang balansehin ang lakas, kapwa target ng reigning three peat champion San Beda at last year’s runner up Jose Rizal na maisahan ang kani-kanilang kalaban na Perpetual Help at Arellano U sa pagpapatuloy ng 85th NCAA basketball tournament sa The Arena, San Juan City.
Nakatakdang lapain ng Lions ang Altas dakong alas dos upang hindi makalayo sa anino ng namamayagpag na Sa Sebastian.
Subalit hindi agarang papadaig ang Altas dahil dito nakasalalay ang kanilang kapalaran. Kasalukuyang nasa bingit ng alaganin, pipilitin ng Perpetual na maiangat ng 3-9 kartada para sustinihan ang panagarap na makapasok sa Final Four.
Samantala, para sa Bombers, hawak kamay nilang babagtasin ang daan patungo sa mas mataas na posisyon.
Mahigpit ang hawak, bobom-bahin ng JRU ang Chiefs sa labang magsisimula sa ganap na alas-4 ng hapon.
Hindi pa nawawalan, bagamat nasa labas na ng Final Four, tinatayang tatrabahuhin ng Arellano na maagaw ang ikaapat na puwesto.
Sa di makakalimutang laban, natrauma sa nakalipas na paghaharap paiigtingin ng Jose Rizal ang depensa upang hindi na muling mangamba sa isang dikdikang laban.
Dahil dito tiyak na dedepensahan ng Bombers ang maliksing si Leonard Anquilo na nagpakawala ng umaatikabong 18 points.
“He is the biggest reason we had a hard time against them,” ani Vanguardia sa gilas na pinakita ni Anquilo.“Mark Cagoco and my other guards couldn’t match up with him, I have to find ways of stopping him, maybe I'll put (Cameroonian Nchotu) Njei on him.” dagdag nito. (SNF)