MANILA, Philippines - Number 12.
Ito ang numerong nais ikamada ng San Sebastian sa kanilang pakikipagtipan sa Emilio Aguinaldo College sa pagpapatuloy ng aksiyon sa 85th NCAA basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.
Naginhawahan mula sa 12 araw na break, higit na malakas na papagitna ang Stags, na sumungkit ng ika-11th na panalo laban sa Perpetual Help, 80-70, sa kanilang pang-alas-dos ng hapong engkuwentro sa Generals na nasa bingit ng pagkakasibak.
Katatagan naman sa Magic Four ang puntirya ng Letran sa kanilang laban sa College of St. Benilde sa alas-4 ng hapon.
Ngunit kung gaano kasidhi ang pagnanais ng Knights determinado rin ang Blazers na makahabol sa Final Four sa kanilang 4-7 marka.
Gayunpaman mahihirapan ang EAC na mapigil ang Knights na babanderahan nina RJ Jazul at Rey Guevarra na kapwa tumirada ng tig-18 puntos sa kanilang laban sa Arellano U Chiefs kamakailan.
Hindi lang doble kundi tripleng trabaho ang dapat gawin ni EAC mentor Nomar Isla upang mapigil ang Stags sa kanilang pananalasa. (Sarie Nerine Francisco)