MANILA, Philippines - Inaasahan ni Freddie Roach, ang trainer ni Manny Pacquiao na mabigat na hamon ang kanilang haharapin sa November 14 sa laban ni Pacman kontra kay Miguel Cotto.
“I’m expecting Cotto to be at his best,” ani Roach na hinihintay na lamang si Manny Pacquiao na matapos sa shooting ng kanyang pelikula bago simulan ang kanyang masusing training. “But Pacquiao is at the top of his game right now” aniya pa.
Ayon kay Roach, inaasahan niyang magbibigay ng magandang laban si Cotto kumpara kina Oscar dela Hoya at Ricky Hatton na madaling napabagsak ni Pacquiao.
“I’m expecting Cotto to be more resilient than Oscar and Hatton were, so he’ll give us a better fight than those two guys did,” sabi pa ni Roach na ibi-nigay ang huling desisyon kay Pacman kung saan ito magtre-training
Dahil hindi maaaring magtagal sa Amerika si Pacquiao kung ayaw nitong magbayad ng mala-king tax, ang pagsasanay ni Pacquiao ay gagawin muna sa labas ng Ame-rica.
Puwedeng magtraining si Pacquiao sa Vancouver sa Canada, puwedeng sa Mexico o kaya ay dito sa Pilipinas. Puwedeng sa Cebu o kaya ay sa Baguio.
Batid ni Roach na may kalakasan ang makakalaban ng Pinoy Idol ngunit kumpiyansa siya sa kakayahan ng kanyang alaga.
“The biggest thing with Cotto is that he’s a strong guy but Manny’s not going to stand in front of him and trade. I feel that we will expose Cotto. His skills aren’t quite where they used to be and we’re going to expose him.”
Marami nang boxing personalities ang nagbibigay ng kanilang opinion kung sino ang mananalo at maraming pumapabor kay Pacquiao.
Ilang linggo nang nagsimula ng training si Cotto sa Puerto Rico habang si Pacquiao ay abala pa sa pagsho-shooting ng kanyang pelikula at sitcom. (Mae Balbuena)