MANILA, Philippines - Muling bibisitahin nina Senator Manny Villar, Efren “Bata” Reyes kasama ang iba pang top cue artists ng bansa ang mga Davaoenos para sa pagdiriwang ng Kadayawan Festival sa pagdaraos ng ika-10th leg ng The Manny Villar Cup sa August 21-23 sa NCC Mall sa Davao City.
Ito ang unang pagkakataon na ang prestihiyosong island-hopping series ay magbabalik sa lungsod na pinagdausan nang torneo.
Sa Villar Cup Kadayawan Leg noong nakaraang taon, dinagsa ng spectators ang bawat match, kaya ito ang pinakadinayong leg ng torneo.
Si Valle, nanalo ng Cebu leg noong June 2008, ay tumapos bilang runner-up kay Roberto Gomez sa 2008 Kadayawan edition ng series na hatid ng Villiards Tulong sa Pagsulong ng Philippine Sports ni Senator Villar sa pakikipagtulungan ng Billiards Managers and Players Association of the Philippines at hatid ng Camella Communities.
Bukod sa Villar Cup, idaraos din ni Senator Villar at ng BMPAP ang Regional Villards Championships para sa Davao at Socsargen sa Martes, na magsisilbing qualifying tournament para sa Manny Villar Cup-Philippine National Villards Championship sa susunod na buwan.
Bukod kina Reyes, Valle at Gomez, ang iba pang world-class pool masters at iba pang kalahok ay sina former world champion Ronnie Alcano, former world no.1 Dennis Orcollo at former leg winners Warren Kiamco (Alabang), Ramil Gallego (Bulacan), Francisco “Django” Bustamante (Baguio-Panagbenga), Lee Van Corteza (Calabarzon) at Rodolfo Luat (Bacolod at Iloilo).(Mae)