MANILA, Philippines - Habang nagpapahinga ang Philippine Basketball Association at abala ang Powerade Pilipinas team sa kanilang kampanya sa FIBA-Asia sa Tianjin, China, abala naman ang mga teams sa pakikipag negosasyon sa mga players.
Nakapirma na ng kontrata ang mga bigating rookie draftees maliban kay Japeth Aguilar na kasama ng national team sa kanilang kampanya para sa slot sa World championships.
Ito ay sina third pick Rico Maierhofer, Fourth pick Cris Ross at fifth pick Jervy Cruz.
Maraming movements ang mga players sa huling nagdaang dalawang linggo at sa mga huling kaganapan, kinuha ng Rain Or Shine ang free agent na si Mark Telan.
Kamakailan lamang at nakuha ng Talk N Text si Nic Belasco. Napunta naman si Rob Reyes sa Red Bull at si Larry Rodriguez sa Coca-Cola.
Noong nakaraang Linggo, ibinigay ng Brgy. Ginebra sina Paul Artadi, Rafi Reavis at ang rights sa 8th pick na si Chris Timberlake sa Purefoods kapalit nina Enrico Villanueva, Rich Alvarez, Celino Cruz at Paolo Bugia.
Ibinigay naman ng Burger King na naging third party sa trade, si Cholo Villanueva kapalit ng 2009 Rookie draft 18th pick Orlando Daroya at dalawang future picks.
Pinakawalan naman ng Purefoods sina Richard Yee at Topex Robinson sa free agency.
Ibinigay din ng Burger King ang kanilang 3rd pick na si Chris Ross, guard Marvin Cruz at 13th pick sa Coca-Cola kapalit ni Ronjay Buenafe at ang 2010 1st Round Draft pick ng Tigers.
Ipinalit din ng Barako Bull sina Jeff Chan at Mike Hrabak sa Rain or Shine para kina Rob Wainwright at Mark Andaya
Nasa Coca-Cola na rin si Jojo Duncil at si Gabby Espinas sa Sta. Lucia kapalit ng first round pick.
Pinakawalan rin ng Brgy. Ginebra sina Junjun Cabatu, Macky Escalona at JR Aquino na ngayon ay mga free agents na.
Ibinalik ng Burger King si Marc Pingris sa Purefoods kapalit ng 2010 1st at 2nd Round Draft picks matapos kunin si Mark Pingris at si Ken Bono at ang 2010 pick ng Beermen kapalit ni Arwind Santos. (Mae Balbuena)