MANILA, Philippines - Ipinakita ang tunay na pagmamahal ng buong puso at kaluluwa, muli na namang ibinandera ni Jimbo Aquino ang husay upang mapanatiling walang bahid ng pagkatalo ang San Sebastian College sa loob ng pitong sunod na panalo sa NCAA seniors’ basketball.
At naging sapat na para hiranging ACCEL/ Fil-Oil NCAA Player of the Week sa ikalawang pagkakataon, nagsalpak ng 23 points at 7 rebounds, pinangunahan ni Aquino ang pagtahi ng panalo ng Stags, 91-76 upang mapaghiwalay ng landas sa karibal na Jose Rizal University Bombers noong Lunes.
“He gave another clutch performance for the team and again proved his leadership,” anang Stags rookie coach Ato Agustin sa ipinamamalas na consistency ng laro ng kanyang batang tubong Bamban, Tarlac na karaniwang umiiskor ng 21 point average per game.
Matapos ang ginawad na parangal kamakailan bilang NCAA POW dahil sa angking gilas sa laban kontra San Beda Red Lions, hindi huminto si Aquino sa pagkubra ng panalo na siyang dahilan upang muling bigyang pansin ang naiambag
At sa kanilang salpukan ng JRU, kumana ng 14 puntos sa kanyang kabuuang produksiyon si Aquino upang trangkuhan ang San Sebastian at pigilan ang kamador ng Heavy Bombers na si John Wilson sa 14 puntos lamang sa kabuuan ng laro.
Subalit para kay Agustin, mayroon pa ring hindi maganda kay Aquino, lalo na’t ang lahat ng tao ay humihiyaw para sa kanya.
“The only problem with Jimbo especially when the crowd is cheering him on, he gets a little bit carried away, I told him that he’s our gunner and he has to control his fouls because the team needs him inside the court. He should adjust and play smart.”payo nito sa kanyang bataan.
Naungusan ni Aquino para sa lingguhang pagkilala ang iba pang mga kandidato na sina San Beda hot shots Garvo Lanete at Sudan Daniel, at Letran’s RJ Jazul. (SNF)