LAS VEGAS – Masama ang naging kampanya ng RP bowlers sanhi ng kanilang pagkakasibak sa singles event sa simula ng World Women’s Tenpin Bowling Championships dito nitong Martes.
Si veteran Liza del Rosario ang naging best performer para sa nationals ngunit ang kanyang six-game series na 1,251 pinfalls, para sa 208.5 average, ay sapat lamang para sa 42nd place overall, 110 pins sa likod ni American topnotcher Stefanie Nation, na tumira ng 1,361, para sa 226.8 sa Cashman Center.
Tumapos si rookie Kimberly Lao ng 1,116 at nasa pang-99th spot sa 1,186 habang si Liza Clutario, ang 2005 Southeast Asian Games ladies’ masters titlist, ay pang 102 pa sa kanyang 1,182 sa kanilang kampanya na suportado ng Philippine Sports Commission, Café Puro, PAL, UPHS at Gbox.
Ang baguhan na si Rachelle Leon (1,167) ay No. 115, si Krizziah Taborah (1,149) ay No. 120 at si Apple Posadas (1,110) ay pang-No. 151, sa kabuuang kampanya ng mga Pinay sa 228 players field mula sa 45 bansa kaya nasibak sila sa kontensiyon para sa ginto.
Pumangalawa si Mexican Sandra Gongora, sa likod ni Nation sa kanyang 1,357 kasunod ni Anja Jensen ng Denmark (1,347) at Krista Pollanen ng Finland (1,345).