Nepomuceno kasama sa Top 10 International coach

MANILA, Philippines – Muling pinarangalan si USBC International Bowling Ambassador at Six-Time World Champion, Paeng Nepomuceno, ng Bowlers Journal International nang ibilang ito sa elite list ng Top 10 International Coaches para sa 2009.

Ito ang ikalawang kara-ngalan ni Paeng na igagawad ng Bowler’s Journal International, ang pinakamatanda, maimpluwensiya at prestihiyosong bowling publication.

Ayon sa Bowlers Journal International; ang prestihiyosong karangalan na ito ay iginagawad sa mga coach na matagum-pay na nakapag-impluwensiya at nakapagpalit sa mundo ng coaching.

Noong 2003, pinarangalan si Paeng bilang “Greatest International Bowler of all time”.

Pinuri rin kamakailan si Paeng ng World Bowling Writers award na maging recipient ng Mort Luby Jr. Distinguished service award dahil sa kanyang lifetime contributions sa sport.

Ang karangalan ay ibinigay sa kanya sa Barnsly, England noong Mayo. Siya rin ang tanging bowling athlete sa buong mundo na tumanggap ng karangalan sa lahat ng kategorya. Una siyang iniluklok bilang first male athlete sa World Bowling Hall of Fame at tatlong beses na napiling World Bowler of the Year.


Show comments