MANILA, Philippines - Sisimulan na ng Batangas Bulls at Manila Sharks ang kanilang kampanyang makapasok sa finals sa pagsisimula ngayon ng semifinals ng Baseball Philippine Series V Finals sa Rizal Memorial Baseball Stadium.
Makikipagtipan ang Manila sa Alabang Tigers bandang alas-9 ng umaga na agad susundan ng bakbakan ng Bulls at Cebu Dolphins sa ganap na alas-12:30 ng hapon kung saan kapag nagwagi ang Sharks at Bulls ay maitatakda nila ang best-of-three finals na sisimulan sa Hunyo 27.
Ito ay dahil sa twice-to-beat advantage na hawak ng Bulls at Sharks makaraang angkinin ang unang dalawang puwesto sa pagtatapos ng 10-game classification round.
Ang Tigers at Dolphins naman ay lumusot sa quarterfinals nang kalusin ang Taguig Patriots at Du-maguete Unibikers. (SNF)