UST Tigresses uhaw pa rin sa tagumpay

MANILA, Philippines - Matapos ang bangis na pinamalas ng UST Tigresses na umani ng ikaapat nitong titulo, mananatiling uhaw sa tagumpay ang España-based squads na nagpaplanong magsubi pa ng panalo para sa susunod na Shakey’s V-League.

"Hopefully, we could sustain our good performance in the next conference. We will try to improve in every game, ani ni UST coach Cesael delos Santos, matapos ang pananaig kontra Lady Stags noong Martes sa kanilang sudden death match.

 Makaarang iposte ang ikaapat na titulo, tuluyan nang naungusan ng Uste ang La Salle Lady Archers na may tatlong korona, sapat upang tanghalin silang ‘winningest team”.

Sa kabila ng impresibong laro na pinatikim ng UST sa elims, quarters, semis hanggang sa Finals, naigapang ng Stags sa dikit na kumpetisyon ang grupo.

Hindi rin matatawaran ang pinakitang laro ng Lady Stags na nakapagsulong ng solidong kampanya.sa liga.

Matinding tapatan sa pagitan ng SSC at UST ang nasaksihan sa muli nilang paghaharap sa Finals buhat noong nakaraang torneo.

Sa pag-angkin ng opening round ng best of three title showdown ngayong taon, pinaigting ng Stags ang depensa at opensa subalit nabigong madaig ang kalaban sa ikalawang pagkakataon.

 Tangan ang determi-nasyon at misyong mapataob ang Recoletos based spikers, dinomina ng Tigresses ang A-game na umankla ng magandang performance ng buong tropa.

"The key to our victory was our blocking, defense and our ability in hitting the ball well, "Despite our loss in Game One, we were not discouraged," pahayag ng top setter ng UST na si Rhea Dimaculangan.

Sa pinagsanib pwersa nina MVP Jean Balse, Michelle Carolino, Aiza Maizo at Bernice Co nasakmal ng UST ang katunggali. Hindi rin nagpahuli ang UST libero na si Jessica Cuarto na nagpasiklab at tumulong para sa depensa katuwang ni Co upang masunggaban ang korona. (Sarie Nerine Francisco)

Show comments