ABAP-Mandaluyong magdaraos ng NCR Boxing Championship

MANILA, Philippines – Sa pagtuklas ng mga bagong talento sa larangan ng boksing para sa overseas competition, naglunsad ang Mandaluyong Chapter ng Amateur Boxing Association of the Philippines ng National Capital Region Championships sa Setyembre na gaganapin sa Mandaluyong gym.

Ang bakbakan ay magsisimulang umaksyon sa Setyembre 14-19 na ina-asahang lalahukan ng upcoming boxers mula sa ibang karatig pook tulad ng Manila, Quezon City, Camanava (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela), Pasay City, Pasig, San Juan, Parañaque, Pateros at Taguig.

“This is going to be a big event,” ani ni Gilbert Artificio, kasalukuyang ABAP-Mandaluyong chief sa PSA forum kahapon sa Shakey’s UN Avenue. Sa partisipasyon ng 400 hanggang 600 boksingero mula sa buong Metro Manila, tinatayang magiging matagumpay ang torneo.

“Our main goal after all, is to produce new talent that will carry the Philippine flag in competitions beyond the 2012 London Olympics.”

Sa pamumuno ng ABAP, ang pagtatatag ng Mandaluyong arm ay malaking tulong upang makadiskubre ng mga world class talent na siyang babandera para sa bansa. Gayunpaman, malaki rin ang magiging tulong para makahubog ng magagaling na referees at judges na gigiya sa torneo. (Sarie Nerine Francisco)


Show comments