Hong Kong bowler umiskor ng 300 sa RP Open

MANILA, Philippines – Sinunog ni Wu Shiu Hong ang lanes sa Paeng’s Mid-twon Bowl noong Miyerkules nang umiskor ito ng perfect 300, upang yanigin ang men’s Class O competition ng 38th Philippine International Tenpin Bowling Championships.

Ginamit ng 25 anyos na si Hong, na napagwagian ang 2007 RP Open masters title, ang kanyang 15 lbs Hammer Black Widow na may mahusay na epekto, at buksan ang kampanya na may 300 at sundan ng 247 at 257 para sa kabuuang 804 pinfalls at banderahan ang Class O singles sa event na hatid ng University of Perpetual Help System, Department of Tourism, Amway Philippines, Philippine Sports Commission, Chowking, Colgate-Palmolive, The City Bowling Shop, USAct, Pearl Garden Hotel, Nestle Philippines, Paeng’s Midtown Bowl, Goldbridge Dental Services at Pan Pacific Manila.

Sa Youth Masters finals nakopo nina Jomar Jumapao ng BTA-Prima at Mades Arles ng TBAM-Prima-RP ang magkaibang ruta patungo sa pagsungkit ng titulo sa kani-kanilang division.


Show comments