Poblete lider na sa Masters sa RP Open

MANILA, Philippines – Sumandal sa mainit na second three-game series na 734 si dating RP team Richie Poblete at umakyat sa men’s Class O Masters qualifying sa 38th Philippine International Tenpin Bowling Championships sa Paeng’s Midtown Bowl sa Robinson’s Place sa Malate, Manila.

Nagpagulong ang 35 anyos na si Poblete ng 673, na may average na 244.6 sa kanyang ikalawang serye patungo sa 1,407 na kabuuan na sapat na para okupahan ang liderato ng torneong hatid ng University of Perpetual Help System, Department of Tourism, Amway Philippines, Philippine Sports Commission, Chowking, Colgate-Palmolive, The City Bowling Shop, USAct, Pearl Garden Hotel, Nestle Philippines, Goldbridge Dental Services, Paeng’s Midtown Bowl at Pan Pacific Manila.

Nilalasap nito ang 15 pin na bentahe kay dating lider Chester King (1,392) habang bumagsak naman sa ikatlo si 2006 world men’s Masters titlist Biboy Rivera.

Isang araw makaraan ang paglapag sa bansa, humataw na ang mga batang bowlers mula sa Singapore Sports School nang tatlo sa kanila ang agad umusad sa top 10-- sina Alex Tan sa fifth (1,196), Jovi Ang  sa sixth (1,163) at Javier Tan sa eighth (1,144).


Show comments