Rivera nagpamalas ng pamatay na porma

MANILA, Philippines – Ipinamalas ni Biboy Rivera ang dating porma at magrolyo ng malalaking laro patungo sa 1,388 na produksiyon at agawin ang Class O men’s masters qualifying lead sa 38th Philippine International Open Tenpin Bowling Championships sa Paeng’s Midtown Bowl sa Ermita, Manila.

Nagpagulong ang 35 anyos na 2006 world masters champiom ng 3-game series na 728 sa linya ng 249, 244 at 235 upang idagdag sa kanyang dating iskor na 660 na nagbagsak kay dating lider Chester King (1,380) sa ikalawang puwesto ng event na hatid ng   University of Perpetual Help System, Department of Tourism, AMWAY Philippines, Philippine Sports Commission, Chowking, PAGCOR, Colgate-Palmolive Philippines, USAct, Pearl Garden Hotel, Paeng’s Midtown Bowl, Nestle, The City Bowling Shop, at Pan Pacific Manila, ang tournament’s official hotel.   Bumagsak naman sa ikatlo si Paulo Valdez (1352).

Itiinuro naman nina Las Vegas World Women’s Championship-bound Liza del Rosario (1304), Apple Posadas (1243) at Kim Lao (1184) ang tamang landas sa Ladies’ Class O qualifying.

Samantala,magbibigay ng apat na taong scholarship si PBC president Nitoy Tamayo na nagkakahalaga ng P250,000 sa UPHS sa unang local bowler na makaka-iskor ng perfect 300 game--na katulad ng special prize na tatanggapin ng top Filipinos sa men’s at ladies Open masters competition. Sa kabilang dako, ang Open men’s champion ay magbubulsa ng jackpot prize na P250,000 habang P100,000 sa ladies masters.


Show comments