SSC pumalo ng dalawang panalo

MANILA, Philippines – Ibinulsa ng San Sebastian ang kanilang ikalawang panalo para palakasin ang tsansa sa semis.

Kumpiyansa sa ganda ng laro nina Thai import Jaroensri Bualee at NCAA MVP Laurence Latigay, pinoste ng Lady Stags ang panalo 25-14, 25-15, 25-19 kontra Univ. of St. La Salle Bacolod sa quarterfinal round ng ikaanim na edisyon ng Shakey’s V-League sa The Arena, San Juan City kahapon.

Hawak ang korona ng kampeonato sa huling torneo, dinaig ng Stags ang Recoletos based spikers. Tumipa ng12 points sina guest player Suzanne Roces at Rysabelle Deva-nedera para sa kanilang ikawalong sunod na panalo makaraang salantahin ng UST noong opening.

Sa naunang laro, umahon ang Far Easter University mula sa kabiguan sa University of Santo Tomas sa pamamagitan ng 25-13, 25-16, 25-22 panalo laban sa University of San Jose Recoletos Sa pangunguna ni FEU mainstay Rachel Daquiz at Irish Morada, rumatsada ang Lady Tams sa pinagsamang 18 kills at 21 points ambag, habang pumalo naman ng 8 points si April Jose para hiyain ang USJR.

Isang malaking pambawi ang ginawa ng FEU mula sa 25-19, 18-25, 7-25, 19-25 pagkatalo sa opening set ng quarters kontra UST noong Martes.

Dahil sa kabiguan ito, matindi ang pangangailangan ng Recoletos na dominahin ang 3 sunod na laban para makapasok sa semis ng ligang hatid ng Shakey’s Pizza na inorganisa ng Sports Vision.

Para kumpletuhin ang panalo, tumipa ng 39 hits ang Lady Tams, kumpara sa mahinang atake ng Jaguars na mayrroong 25 tala at 13 points para sa serye. (Sarie Nerine Francisco)


Show comments