LIPA CITY, Philippines – Dose-dosenang cue artists mula sa probinsiya ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon ang nagtipun-tipon para sumali sa Villards Calabarzon Regional championships at slots sa main draw ng Manny Villar Cup Calabarzon leg sa activity center ng SM City Mall dito.
Ang isang raw na event ay hudyat ng panimula ng serye ng regional championships, kung saan ang mga top performers ay tatanggan ng puwesto para sa national championships.
Para dito, ang top six players ay may tsansa ring maipamalas ang kanilang husay kontra sa mga pangunahing pool masters ng bansa dahil sila ang pupuno sa nalalabing upuan sa 32 main man draw ng Villar Cup, ang prestihiyosong island-hopping series na ipiniprisinta ng Senator Manny B. Villar’s Villards: Tulong sa Pagsulong ng Philippine Sports at coorganized ng Billiards Managers and Players Association of the Philippines, na itinataguyod ng Camella Communities at may basbas ng Billiards and Snooker Congress of the Philippines.
Mismong si Efren’Bata’ Reyes ang babandera sa elite cast ng mga players na umaasinta sa pinakaasam na titulo at bahagi ng may P1 M cash prize.
Bukod kay Reyes, ang ilan pang markadong players na kasali ay sina newly-crowned International 10-Ball champion Dennis Orcollo, dating world champion Ronnie Alcano, Lee Van Corteza, at dating leg winners Warren Kiamco (Alabang), Gandy Valle (Cebu), Ramil Gallego (Bulacan), Rodolfo Luat (Bacolod ) at Francisco “Django” Bustamante ( Baguio ).
Ang mga beteranong ito ay sasamahan din ng mga bata at upcoming stars sa pamumuno ni two-time World Juniors campaigner at dating Villar Cup Sipag at Tiyaga Division champion Rene Mar David, Joven Bustamante, Egie Geronimo, Ricky Zerna, Michael Feliciano at Search for the New Billiards Idol grand winner Mike Takayama.