Novo Ecijanos agaw eksena

DAGUPAN, Philippines — Napa­na­tiling hawak ni Pan­gasi­nense rider Santy Barna­chea ang ‘MVP’ yellow jer­sey ngunit nabigo na­mang pasa­yahin ang kan­yang mga kababayan nang paya­gang maaga­wan ng eksena ng dala­wang Novo Ecijanos sa Pa­n­ga­sinan stop ng 2009 Pad­yak Pinoy Tour of Champions kahapon dito.

Pinagharian ni Oscar Rindole, sinuportahan ng kanyang kapwa taga-Nue­va Ecija na sina Fre­derick Feliciano at Joel Cal­deron, ang 153-kilo­meter race na nagsi­mula sa Apalit, Pam­panga at nagtapos rito.

Mas pinili naman ni Barnachea, tubong Umi­ngan, na tapusin ang yug­to bitbit pa rin ang yellow jersey sa hindi niya pag­hahabol sa uma­takeng si Rindole mula sa nine-man lead pack sa final kilome­ter.

Sa paglayo ni Rin­dole sa grupo, pinaba­ gal na­man nina Feli­ciano at Cal­deron ang ka­rera at hindi na umak­syon pa si Barna­chea.

“My main concern was just to keep my lead in the overall individual standing. Since they’re (ang mga Novo Eci­janos) not yet major threats, I didn’t care as they fought for stage honors,” ani Barnachea.

Nasa tamang landas naman sina Rindole, Feli­ciano at Calderon ukol sa paglapit sa lea­der board sa kalahati ng tour na iti­nataguyod ng Tanduay ka­sama ang Smart-PLDT ni Manny V. Pangilinan at ang Air21 ni Bert Lina bi­lang mga major sponsors.

Mula sa No. 4, uma­bante ang 26-anyos na Navyman na si Rindole sa No. 2 spot, habang lu­mapit naman sa No. 5 si Feliciano buhat sa No. 8 at nasa No. 6 si Cal­deron galing sa No. 10.

Bagamat naungusan ni Rindole ng 25 se­gun­do sa stage, patuloy pa ring hawak ng two-time Tour king na si Bar­na­chea ang individual lead sa likod ng kanyang 19-second overnight lead kasunod sina Arnel Qui­rimit at Baler Ravina. (Nelson Beltran)

Show comments