Pagulayan idedepensa ang titulo sa World Pool

MANILA, Philippines - Umaasa si Alex Pagulayan na madadagdagan ang iniipong karangalan sa pagtatangka nitong maging kauna-unahang back-to-back champion sa PartyPoker.net World Pool Masters na bubuksan ang ika-17th edisyon ngayon sa Riviera Hotel and Casino sa Las Vegas, Nevada.

Idedepensa ni Pagulayan, 2004 World Pool Championship titlist ang kanyang napagwagiang korona nang gapiin niya si Mike Immonen sa isang come-from-behind 8-6 panalo noong nakaraang taon kontra sa 15 pang topnotch cue masters sa buong mundo.

 “For me, this is one of the toughest tournaments in the world, and I’ve always wanted to win it,” wika ng 30-year-old na ipinagmamalaki ng Cabagan, Isabela, na sisimulan ang kampanya kontra sa European No. 3 Nick van den Berg ng Holland. Kasama ni Pagulayan sa kampanyang ito si dating World No. 1 Dennis Orcollo.

Show comments