MANILA, Philippines – Pinaghalong versatility na may mahusay na ba-lanseng players ang pinal na hamon na haharapin ng Powerade Team Pilipinas sa pagtatapos ngayon ng 2009 Motolite PBA All-Star Week sa Araneta Coliseum.
Magsasama-sama ang mga starters na North at South All-Star team na may sangkap ng imports na sina Gabe Freeman, David Noel, Anthony Johnson at Jai Lewis, ang makakaharap ng Nationals sa ikatlo at pinal na laro ng All-Star series na idinisenyo para sa pagpapalakas ng RP team na sasabak sa FIBA Asia world qualifier.
Winalis ng Nationals ang dalawang naunang laro, at isang magandang indikasyon sa kanilang pag-hahanda para sa Asian championship na naka-takda sa Agosto sa China.
Sinabi ni National coach Yeng Guiao na ang naunang dalawang laro ay may karanasang natutunan at umaasang mas may matututunan sila ngayon sa pakikipagharap sa PBAAll-Star bandang alas-6 ng gabi sa Big Dome.
“I expect that to be our biggest challenge,” ani Guiao sa kanilang pinal na laro.
Samantala, sa pagkawala ng injured na si Kelly Williams, inaasahang aasintahin muli ni KG Canaleta ang slam dunk title kontra kina Jared Dillinger, Gabe Norwood at Jay Washington.
May pa-contest din ng slam dunk para sa mga imports na sina David Noel, Anthony Johnson, Gabe Freeman at Jahmar Thorpe. Itataya din nina Obstacle course ruler Willie Miller at three-point king Renren Ritualo ang kanilang titulo sa All-Star Skills Competition.