7-Eleven team ni Guevarra kampeon

MANILA, Philippines - Itinatak ni Mark Guevarra ang isang hindi mabuburang marka sa kasaysayan ng Philippine cycling nang mapagwagian nito ang individual classification crown ng Liquigaz-LPGMA Tour of Luzon.

Noong Linggo, higit na pinatamis niya at ng kanyang mga kakampi ang tagumpay. Pumedal ang kanyang koponan sa team time trial Stage 7 upang idiin ang kanilang dominasyon sa kasaysayang ng karera ng bisikleta.

Ipinamalas ng 7-Eleven squad ang walang pagbabagong pagsisikap na kanilang binitawan sa lahat ng pitong yugto ng karerang inorganisa ng LPGMA na pinamumunuan ni Arnel Ty at daigin ang kanilang siyam na kalaban sa final 60-km race na ginanap sa Macapagal Highway sa PasayCity.

Si Guevarra at kakampi ay nagrehistro ng pitong oras, dalawang minuto at 15.156 segundo para sa nasabing yugto at taousin ang kanilang kampanya sa 10-team race nas nagsimula noong Lunes sa Quezon City, tinahak ang Lucena City at Tagaytay City at bumalik ng metropolis sa Marikina bago nagtungo sa norte sa Cabanatuan at Baguio city.

Sa kabuuan, ang 7-Eleven ay nagtala ng 109:23:26.973 para sa korona at premyong P500,00 kasunod ang Batang Tagaytay.Ikatlo naman ang Liquigaz, kasunod ang American Vinyl, GeoState-The Beacon, Mobile Wonder-Magic Prints, My Photos, Newton-Ragaso, DPT Law at Happy Nuts.

Pagkatapos ng Baguio-to-Baguio lap naibulsa na ni Guevarra ang individual title pero kahapon pagkatapos ng Team time Trial pormal na inangkin ni Guevarra ang titulo sa karerang may basbas ng PhilCycling sa ilalim ng liderato ni Tagaytay City Abraham “Bambol” Tolentino.

“Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala,” ani Guevarra, 23-year-old auto painter mula sa Bagong Silang, Caloocan.

“Basta masayang-masayang ang pakiramdam ko, pero hindi pa nagsi-sink in,” dagdag pa niya..

Tatanggap ng P50,000 premyo si Guevarra sa tagumpay niyang ito.

Show comments