Skywalker Camp sa Abril 19

MANILA, Philippines - Magandang balita para sa mga kabataang nais sundan ang yapak ni Samboy Lim.

Magdaraos ang Castrol Skywalker’s Basketball Camp sa Abril 19 at 26 at May 3, 10, 17 at 24 sa Jose Rizal University gym sa Mandaluyong City.

Si Lim, kinikilalang ‘Skywalker’ ng PBA at isa sa “PBA’s 25 Greatest Players’ ay personal na magtuturo sa mga partisipante.

Ang mga training modules ay, ballhandling, dribbling at passing--mula alas-9 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali; shooting, lay-up at defense -- mula alas-12 ng tanghali hanggang alas-3 ng hapon at penetration at post moves, mula alas-3 ng hapon hanggang alas-6 ng gabi.

Ang registration fee ay kabibilangan ng libreng t-shirts, bag, towel, at personal insurance na nagkakahalaga ng P50,000 sa loob ng isang taon.

May karagdagang promo din si Lim-- ang limang tao ay may libre at 50 percent na diskuwento sa partisipante na magdadala naman ng walang laman na containers ng apat na litro o isang gallon na Castrol products tulad ng Edge, Magnatec, GTX, GTX diesel, Power 1, Active Premium, 4T, CRB Turbo at CRB.

Sa lahat ng interesado tumawag lamang sa 531-7554 at 499-9999 o cel number 0916-6989598 o bisitahin ang website http://skywalkerbasketball.multiply.com.


Show comments